Tuesday, November 3, 2009


Ang laban ni magiting
Ni Simpatikong Manunuos


Pinilay ng nagdaang kasaysayan,
Binubulag ngayon sa kasalukuyan.
Kanino na lalapit itong si Juan?
Ngayong nabawasan bayani n’yaong bayan?

Tinitikis ng kahirapan.
Dinaraya ng nanunungkulan.
Lugmok na sa dusa,
Tuloy pa ring inaalipusta.

Ika’y magmasid. At iyong mamamalas.
Yaong bayang dati’y binawian ng laya,
ngayo’y binibihag,
muling isinisilid sa bakal na hawla.

Maraming sumubok at nabigo.
Ngunit mas maraming naduwag at nagtago.
Nasaan na ang mga magigiting?
Hayu’t lapida kanila ng kapiling.

Sumunod sa agos niyaong kasaysayan.
Itong bansang alipin ng makapangyarihan.
Wala na nga bang disposisyon si Juan?
At naging sunud-sunuran na lamang ni John?

Kagitingan ng kahapo’y atin ng kailangan.
Pag-alaala sa paninindigan niyaong mga nangakipaglaban.
Kanino? Iilan? Hanggang saan?
Sino ang magsisimula ng panibagong laban?


image from google

19 comments:

zuveena said...

wow!!! nice one....keep it up!!! hehe!!!

Somnolent Dyarista said...

@zuveena

salamat!

sana po ay mapadalas ang inyong pagbisita dito!


(n_n)

abe mulong caracas said...

Tibak na Tibak ang dating!

nabuhay ka parekoy!

PaJAY said...

Si pacquiao ang magsisimula ng laban dre..mamaya na!!...:D

Somnolent Dyarista said...

@Mulong

weh???

di talaga ako tibak!

promise!

Promise talaga!


@ PaJay

Hay naku,

hindi naman siya ang nagsimula, sya kaya ang tumapos!

Somnolent Dyarista said...

@Mulong

weh???

di talaga ako tibak!

promise!

Promise talaga!


@ PaJay

Hay naku,

hindi naman siya ang nagsimula, sya kaya ang tumapos!

Glampinoy said...

Wow isang makata ka pala. very nice..keep on posting

AL Kapawn said...

bro, mag update ka na ng post mo luma na ito.. he hehe

salamat nga pala sa dalaw sa site ko.

fiel-kun said...

bumisita po!

very nice poem at very timely din. since malapit na naman ang eleksyon, dapat talaga tayong maging matalino sa pagpili ng susunod na mamumuno sa ating bayan para naman di kawawa si Juan. ^_^

Jag said...

Makabayan. Parang nawawalan n ng saysay ang ipinaglaban ng ating mga bayani noon. Tsk...tsk...tsk...

Thanks for commenting on my post...

Keep visiting! dB-D

Somnolent Dyarista said...

@glampinoy

hehe.
salamat sa pagdalaw mo!
sana mapadalaw ka ulit


@ALkapon

ahm. sobrang busy pa kasi eh,.

minsanan lng ako nakakapag-update recently. isang buhusan ng biyaya kumbaga.

yaan mo, makakapag-update din ako!

@fiel-kun

Tama ka jan.
kawawa talaga kaming mga kabataan.
malapit napanaman ang 2012.
hekhek

@jag

sana maligaw ka po ulit dito

AL Kapawn said...

mag post ka ng medyo naughty ang dating, yung nakaka tinding bubol, este! balahibo.

Somnolent Dyarista said...

@ AL-kapon

parekoy!

sige! sige ba?

request mo eh!

hehehe
Pantasya entry bA?
hehehe

Somnolent Dyarista said...

@ AL-kapon

parekoy!

sige! sige ba?

request mo eh!

hehehe
Pantasya entry bA?
hehehe

glentot said...

I like these lines:

Wala na nga bang disposisyon si Juan?
At naging sunud-sunuran na lamang ni John?

may dating...

Anonymous said...

Kuya noni ang galing mo!!!!!!!!!!!!!!! asteeeeggggg!!!! hahahaha gagawa din ako ng ganitong blog idol na kta!!!! hahaha astig talaga.....lupeeettt....

Anonymous said...

Kuya noni ang galing mo!!!!!!!!!!!!!!! asteeeeggggg!!!! hahahaha gagawa din ako ng ganitong blog idol na kta!!!! hahaha astig talaga.....lupeeettt....

Somnolent Dyarista said...

@anonymous

sino ka?
di mo ko dapat hangaan,
kahit sino makakagawa nito!

Somnolent Dyarista said...

@anonymous

sino ka?
di mo ko dapat hangaan,
kahit sino makakagawa nito!