Ang Malarong Gabi
Bago matulog, maririnig ang lagaslas ng tubig na marubdob na dumadaloy mula
sa gripo ng nawasa. Ilang sandali pa ay madarama na ang marahang pagsalok at pagdampi ng tubig sa katawan ng isang tao
tila napakaingat sa pagbasa.
Ngunit bago niya simulan ang sirimonyas ay pag-iigtingin muna niyang maigi ang init sa naturang silid parausan,( este paliguan. )
Ang kanyang kamay ay patuloy na maglalaro — isang walang sawang paglalaro. hindi titigil hangga't hindi pa niya nadarama ang tagumpay na pilit niyang inaasam sa mga sandaling yaon.
Patuloy ang paglikot ng kanyang kamay — animo'y napaka-bibo sa paulit ulit nitong gestura.
Taas. Baba. Taas. Baba. Nakakangawit ang kanyang ginagawa kaya naman di mo siya masisisi kung bakit papalit-palit ang kamay na kanyang ginagamit sa paglalaro.
Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Mayroon din namang pagkakataong pinagsasabay niya itong gamitin. Ngunit ang kanyang paborito ay sa tuwing pinaiikot niya ang pareho niyang mga kamay at sabay na ikekending ang kanyang bewang.
Sa wakas. Nanawa na rin siya. Isang malapot na likido na nasa kanyang mga palad ang tumapos sa kanyang panggigigil.
Napabuntong hininga sa labis na ginhawa. Nakapagpalobo na rin siya gamit ang bula.
Matapos ang makailang ulit na pagsasabon, aabutin ang tuwalyang nakatupi malapit sa pintuan ng banyo. Pupunasang bahagya ang katawan at hahayaang sipsipin ng animo'y tigang na tuwalya ang tubig na nananatiling nakaturay sa kanyang balat.
Isusuot nang muli ang pang-ibaba at ang kortong kanyang pantulog. Mauupo sa isang banda ng kama.
Aabutin niya ang isang basket na pulos bagay na sadya niyang gagamitin. Kukunin ang "facial toner" bahagyang iaplay sa kanyang mukha at leeg. Makailang ulit na makapag-aplay ay kukunin naman ang moisturizer ang agad itong ikakalat sa kanyang mukha.
Kukunin din niya ang botelya ng lotion at maglalagay din sa kanyang palad bago ito ikalat sa kanyang buong katawan. Itatabi ang lahat ng ginamit at siya'y mahihiga na.
Pupuwesto na animo'y nagbabadyang magpahinga, ngunit di pahihintulutan ng kanyang mga mata.
Wala siyang ibang magagawa kundi ang sundin ang undyuk ng kanyang isipan.
Kukunin ang kumot at ibabalot ang sarili. Mag-uunat at sisimulan na ang larong makapagpapatulog sa kanya ng tuluyan.
Isang masarap na tulog.
Hanggang sa muling pagputok! (ng araw)
9 comments:
ANG HALAY HALAY HALAY HALAY MO!!!
bleeh!!!
hahahaha, that tickles my broken heart now..
Broken heart???
haha,...
fix it, a heart once broken is meant to be fixed!
@Nikita
Tae, nag-enjoy ka naman!
weeeeeeeeeeeee
dumaan din dito. pinaglaro mo ang isip ko, hayup. haha. isip lang.
akala ko nag bobomba ng tubig e
napost ko sa kabila yu'ng comment ko para dito. lol!
"Ganya'n na talaga.. Dami'ng ritual." lol
hahaha Thank you for visiting my blog!
@nash- bakit parang nandidiri ka? hahaha
@soibeans- hehehe ayus lang yan tol, maglaro lang ng maglaro!
@pablo- ibang mala-tubig na likido ang binobomba niya.
@erwin- tama maraming ritwal bading at ako eh ahhaahah
Post a Comment