Thursday, June 25, 2009

Tulad ka ba nila?

Nagising isang umaga,

Bumangon, binuksan ang telebisyon.

Napuna ang kagandahan ng mukhang bida ng programa,

Nagulantang sa balitang kanyang patuloy na binubulatlat.

‘Chop-Chop na Juan natagpuan.’

‘Cong. Buwaya siklo sa pambubulsa ng kaban ng bayan.’

‘Presyo ng bigas patuloy sa pagtaas.’

‘Gas at petrolyo tataas ng piso.’

‘T.F magsisipagmahal.’

Lahat ng bagay patuloy na sa pagtaas,

Narating na kaya nila ang rurok ng paglago?

Mainam sana kung sabay ang pagtaas.

Presyo. Juan. Sabay sanang namumuhunan.

Hanggang saan ang lalakbayin?

Gaano kataas pa ang aabutin?

Kalian matutugunan ang pangangailangan ng bayan?

Thugbbbbbh…

Pinatay. Natulog. Mahimbing.

Tulad ng ibang Juan, din na rin ninais na

Pakinggan pa.

sa halip ay nagsawalang bahala

5 comments:

EngrMoks said...

Typical buhay pinoy...
Nice one bro!

ITSYABOYKORKI said...

hmmm ur back ... ispageti ☺

abe mulong caracas said...

t i b a k

Rcyan said...

WOW!!! Isa ka ng makata! Hahaha! Karen, ikaw ba 'yan?

Rcyan said...

HOY! GISING!