Friday, March 12, 2010

Ka-emo-han


Ang pag-ulayaw sa dating araw


Nakalulungkot mang isipin, masakit mawalan ng isang taong naging kasangga mo sa matagal na panahon.


Nakakapanibago.

Mahirap gumalaw, nakakailang, lalo't nasanay ka nang lagi siyang nasa tabi mo — kundi nangungulit o nambuburaot eh humihingi ng payo.

.......

Kung susukatin ang pagpapahalaga ko sa kanya, mapagtatanto mo na siya nga'y isang malaking tipak ng kaaliwan na minsang naging bahagi ng aking buhay— isang bahagi na tila palagian na lamang aalalahanin at magiging bahagi na lamang ng isang malungkot na pagmumuni-muni.


.......

Hindi ko naman hinihinging galangin nya ako katulad ng dati — hindi na rin naman talaga ako umaasang maibabalik pa ang dati naming araw.

Ang nais ko lang naman sana'y di mawala ang "KUYA" sa tuwing sasambitin niya ang aking ngalan.

Masakit. Daig pang dinudurog ang aking puso. Daig pa marahil ang hapdi na iniiwan ng mga babaeng dumaan sa aking buhay.


Nakapanlulumong isipin, di na muling mauulit pa ang mga araw na dumaan, ang mga oras na minsang pinagsaluhan ang mga bagay na sa iba'y pinagkakadamutan.

Ngunit higit sa ano pa man, nakapanghihinayang...

ang taong pinahahalagahan mo ay nawala na, kapiling mo man ay di mariringgan ng anumang salita.

3 comments:

Anonymous said...

masakit po talaga mawala ang nakasanayan na samahan. pero wala tayo magagawa. may mga nangyayari na kailangan lang talaga nating tangaapin kasi hindi natin madidiktahan ang kapalaran na gawin ang mas nais nating mangyari.

EMO? yikes..

Choknat said...

kailangan nga tanggapin kahit mahirap at makasanayan ulet na wala ung taong un.

Rcyan said...

kailangan. dahil maaaring sa mga susunod na yugto ng buhay n'yo, nakalaandin kayong magkahiwalay muna. pero pasasaan ba, maaayos din kayo.