Sunday, February 14, 2010

Sikhayo ni Dyarista

Ang Mundo ni Magiting

Simpatikong Manunuos

Naroon siya’t nag-aabang,

Inaantay ang kredo ng ilang matatapang,

Adhika niya’y lumaban, sa sistema’y tumaliwas,

Gamit ang puso susupilin ang dahas.


Ngunit muli kanyang laba’y nabigo.

Sapagkat magigiting patuloy na nagtago.

Kanilang hinayaan ang bayang madusta,

Pamunuan ng taong yaman lamang ang nasa.


Umaasang may isang magiting na hahamon,

Upang ang bayan sa putik maiahon.

Ngunit ang paghihintay tila dina matatapos,

Lalo’t mga puso’y nababalot na ng takot.


Sa mga paslit ang bukas ay isang bangungot,

Gayung ang kasalukuya’y muog ng pagbabago.

Ang kahapo’y nanatiling mali na itatama,

Gamit ang aral sa kamalia’y makukuha.


Patuloy na aasa itong buong bayan,

Na may isang Magiting na muling lalaban.

Ang tauhan ng bulok at mapanglinlang na sistema,

Hahatulan ng bayan at ikakadena.


Ang mundo ni Magiting ay sadyang kay gulo.

Dahil mga dakila’y mangingibig ng trono.

Sila’y matatalino kung kaya’t nanloloko,

Ang baya’y bibubulag ng nasang di raw biro.


Sila-silang mababangis ay nagkakagatan,

Silang mga hayok sa lakas at kapangyarihan.

Ngunit sa huli kanilang kulay lilitaw,

Dakila sa umaga, sa gabi’y magnanakaw.


(imahe mula sa google)

2 comments:

Eiya Dantis said...

Kuya Nilo, I really love your writing style.

The last stanza of this poem is very catchy and very, very real. No room for idealization, this is simply reality.

You put it to words in a very catchy way. :D

Somnolent Dyarista said...

Thanks for reading and for the compliments.

keep writing Aeson. I've read your blog.

ang tinta nawa ng ating mga panulat ay patuloy na dumaloy
mula sa ugat ng ating utak patungo sa himaymay ng laman ng ating kamay at mga daliri.

sa huli, ang laban ay pawang sa mga intelektwal lamang.

hasain at pagyamanin pa natin ang ating mga talento.


walang ibang makatutulong sa atin, sarili lang natin.

(sabog pa ako, katatapos ko lang magexam ng theory of accounts haixt)