Thursday, June 25, 2009

Hindi ko alam ang Titulo nito



Biyernes ng Umaga. Bibili sana ako ng isang tinapay na may gakulangot na karne, kapiranggot na gulay at saganang ketsup sa tapat ng isang eskwelahang may kumpirmadong kaso na ng binaboy na sakit. Sa aking pagkadismaya, sarado ang aking paboritong burger-an kaya’t maluha-luha naman akong napatitig sa maaraw na kalangitan. (Gutom na eh!)


Nagdisisyon akong bumili na lamang ng isang tasang kape at biskwit sa malapang-burgis na kantina ng aming paaralan. Malayo-layo rin ang dapat kong lakarin bago ko marating ang darambana ng ikalawa kong tahanan kaya’t nagmadali na rin ako sa paglalakad nang hindi masunog ang aking balat ng matinding sikat ng araw.


Natatanaw ko na ang tutok ng aming paaralan ng aking mapansin ang isang pormadong sulat sa gilid ng daanan. “EDUCATION NOT FOR SALE. GLORIA FOR SALE.”


Papasok na sana ako. Ngunit papasok na talaga ako!


Naisip ko lang. Ilan bang mga bata ang hindi nakakapag-aral sa ngayon? Maswerte ako at nandito ako.


Oo nga naman. EDUCATION is really NOT FOR SALE dahil kung ito’y binibenta, panigurado, di namin ito kayang bilhin. MASYADOng MAHAL — Bibili ka ng sariling teacher. Librong panay mali. Sariling klassrum. Desk. Upuan. At maglalagay ka pa sa bulsa ng mga buwaya — pampadulas at pampataas ng grade.


I am not from an affluent family. Thus, I treasure education as my only “haven” in life.


Nakakapag-aral ako dahil sa ilang kamag-anak na pilit kaming tinutulungan.


Kaya kung ibinibenta ang Edukasyon, naisip ko lang, e di hindi sana over-crowded ang klassrums ngayon. Baka nga dahil sa iilan lamang ang can afford, aalog-alog na lamang sila sa isang klassrum dahil talagang imposible itong mapuno.


Naliligo ako kanina (actually, kasarapan ng paghihilod ko sa mga nangagnuot na libag sa aking braso) nang marinig ko ang balita tungkol sa kwestyonableng pagpanhik-panaog, paroo’t parito ng ating Pangulo sa iba’t ibang bansa.


Hindi malinaw sa akin ang balita dala marahil ng malakas na lagaslas ng tubig mula sa gripo na tumutulo sa aking timba ngunit ang tanging malinaw sa akin ay ang isang isinumeting report na nagsasabing ang halagang nilulustay ng INAMPALAN ay sasapat na upang mapantayan ang pondo ng isang pampublikong paaralang pangkolehiyo dito sa Maynila (PUP).


Nakalulungkot isipin, they compromise education just for a thing that would prove their prowess in nurturing the recessing economy of the country.

"I agree that Presidential trips outside the country are really beneficial in building rapport with other countries’ leaders and potential investors. What I am not certain is the need to be with the many other congressmen to join her trip. Kung pwede nga namang iilan nalang para mas tipid."


Aba! parang field trip lang nangyayari eh. Mag-congressman na lang kaya ako at pakunwari’y susuporta sa pangulo, wow! Trip around the world ang kikitain ko!


Now I understand what the lines “EDUCATION NOT FOR SALE. GLORIA FOR SALE” mean. Kung ita-translate sa Filipino it would be, “HINDI MO NGA NAMAN BASTA BASTA IBIBENTA ANG MGA BAGAY NA MAY HALAGA!”

2 comments:

EngrMoks said...

Isa yan sa mga dahilan kung bakit maraming pinoy ang pinapasok ang mundo ng pulitika.
Hayy! sarap maging pulitiko!!!

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮