Tuesday, August 21, 2012

Hello guys, gumawa ako ng bagong blog, sana suportahan niyo ito. Hindi na po ulit ako magpo-post dito salamat.

Follow me @  usokatabo.blogspot.com

Salamat!

Sunday, April 25, 2010

Opinion

SCREW THE AMPATUANS!

Sa Pilpinas iba talaga ang hustisya, ang mapepera ang naghuhusga.

I really shouldn't say a thing about the ampatuans, i don't have any deeper understanding on the whys and the hows of this Maguindanao massacre stuff, but i am just irritated by the way justice is served among the families of the victims.

i do not question the credibility of the judge who weighs the evidences, nor the prosecutors and other justice-seeking personalities involved in this matter.

it is just a super silly thing for me that after all what happened, lusot pa rin sila.

Hmf.
I pray for your soul! I really hope God still have merciful heart for you guys!

Friday, March 12, 2010

Ka-emo-han


Ang pag-ulayaw sa dating araw


Nakalulungkot mang isipin, masakit mawalan ng isang taong naging kasangga mo sa matagal na panahon.


Nakakapanibago.

Mahirap gumalaw, nakakailang, lalo't nasanay ka nang lagi siyang nasa tabi mo — kundi nangungulit o nambuburaot eh humihingi ng payo.

.......

Kung susukatin ang pagpapahalaga ko sa kanya, mapagtatanto mo na siya nga'y isang malaking tipak ng kaaliwan na minsang naging bahagi ng aking buhay— isang bahagi na tila palagian na lamang aalalahanin at magiging bahagi na lamang ng isang malungkot na pagmumuni-muni.


.......

Hindi ko naman hinihinging galangin nya ako katulad ng dati — hindi na rin naman talaga ako umaasang maibabalik pa ang dati naming araw.

Ang nais ko lang naman sana'y di mawala ang "KUYA" sa tuwing sasambitin niya ang aking ngalan.

Masakit. Daig pang dinudurog ang aking puso. Daig pa marahil ang hapdi na iniiwan ng mga babaeng dumaan sa aking buhay.


Nakapanlulumong isipin, di na muling mauulit pa ang mga araw na dumaan, ang mga oras na minsang pinagsaluhan ang mga bagay na sa iba'y pinagkakadamutan.

Ngunit higit sa ano pa man, nakapanghihinayang...

ang taong pinahahalagahan mo ay nawala na, kapiling mo man ay di mariringgan ng anumang salita.

Sunday, February 14, 2010

Sikhayo ni Dyarista

Ang Mundo ni Magiting

Simpatikong Manunuos

Naroon siya’t nag-aabang,

Inaantay ang kredo ng ilang matatapang,

Adhika niya’y lumaban, sa sistema’y tumaliwas,

Gamit ang puso susupilin ang dahas.


Ngunit muli kanyang laba’y nabigo.

Sapagkat magigiting patuloy na nagtago.

Kanilang hinayaan ang bayang madusta,

Pamunuan ng taong yaman lamang ang nasa.


Umaasang may isang magiting na hahamon,

Upang ang bayan sa putik maiahon.

Ngunit ang paghihintay tila dina matatapos,

Lalo’t mga puso’y nababalot na ng takot.


Sa mga paslit ang bukas ay isang bangungot,

Gayung ang kasalukuya’y muog ng pagbabago.

Ang kahapo’y nanatiling mali na itatama,

Gamit ang aral sa kamalia’y makukuha.


Patuloy na aasa itong buong bayan,

Na may isang Magiting na muling lalaban.

Ang tauhan ng bulok at mapanglinlang na sistema,

Hahatulan ng bayan at ikakadena.


Ang mundo ni Magiting ay sadyang kay gulo.

Dahil mga dakila’y mangingibig ng trono.

Sila’y matatalino kung kaya’t nanloloko,

Ang baya’y bibubulag ng nasang di raw biro.


Sila-silang mababangis ay nagkakagatan,

Silang mga hayok sa lakas at kapangyarihan.

Ngunit sa huli kanilang kulay lilitaw,

Dakila sa umaga, sa gabi’y magnanakaw.


(imahe mula sa google)

Wednesday, February 10, 2010

I failed to blog the weariest thoughts i had this past few days, so i'm glad to be back!

tomorrow, together with my fellow editors and publication writers and staff, we'll be attending a presidential debate at the SMX Convention Center, MOA.

Noynoy, Villar, Gibo and Erap have confirmed their participation in the said debate.

Give me a couple of days guys, i'll be publishing a brief article re: the said debate.

Promise yun, after ng exams ko sa advanced accounting. magsusulat na agad ako!

hehehe

Sunday, December 13, 2009


Ang Malarong Gabi

Bago matulog, maririnig ang lagaslas ng tubig na marubdob na dumadaloy mula
sa gripo ng nawasa. Ilang sandali pa ay madarama na ang marahang pagsalok at pagdampi ng tubig sa katawan ng isang tao
tila napakaingat sa pagbasa.

Ngunit bago niya simulan ang sirimonyas ay pag-iigtingin muna niyang maigi ang init sa naturang silid parausan,( este paliguan. )

Ang kanyang kamay ay patuloy na maglalaro — isang walang sawang paglalaro. hindi titigil hangga't hindi pa niya nadarama ang tagumpay na pilit niyang inaasam sa mga sandaling yaon.

Patuloy ang paglikot ng kanyang kamay — animo'y napaka-bibo sa paulit ulit nitong gestura.

Taas. Baba. Taas. Baba. Nakakangawit ang kanyang ginagawa kaya naman di mo siya masisisi kung bakit papalit-palit ang kamay na kanyang ginagamit sa paglalaro.

Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Mayroon din namang pagkakataong pinagsasabay niya itong gamitin. Ngunit ang kanyang paborito ay sa tuwing pinaiikot niya ang pareho niyang mga kamay at sabay na ikekending ang kanyang bewang.

Sa wakas. Nanawa na rin siya. Isang malapot na likido na nasa kanyang mga palad ang tumapos sa kanyang panggigigil.

Napabuntong hininga sa labis na ginhawa. Nakapagpalobo na rin siya gamit ang bula.

Matapos ang makailang ulit na pagsasabon, aabutin ang tuwalyang nakatupi malapit sa pintuan ng banyo. Pupunasang bahagya ang katawan at hahayaang sipsipin ng animo'y tigang na tuwalya ang tubig na nananatiling nakaturay sa kanyang balat.

Isusuot nang muli ang pang-ibaba at ang kortong kanyang pantulog. Mauupo sa isang banda ng kama.

Aabutin niya ang isang basket na pulos bagay na sadya niyang gagamitin. Kukunin ang "facial toner" bahagyang iaplay sa kanyang mukha at leeg. Makailang ulit na makapag-aplay ay kukunin naman ang moisturizer ang agad itong ikakalat sa kanyang mukha.

Kukunin din niya ang botelya ng lotion at maglalagay din sa kanyang palad bago ito ikalat sa kanyang buong katawan. Itatabi ang lahat ng ginamit at siya'y mahihiga na.

Pupuwesto na animo'y nagbabadyang magpahinga, ngunit di pahihintulutan ng kanyang mga mata.

Wala siyang ibang magagawa kundi ang sundin ang undyuk ng kanyang isipan.

Kukunin ang kumot at ibabalot ang sarili. Mag-uunat at sisimulan na ang larong makapagpapatulog sa kanya ng tuluyan.

Isang masarap na tulog.

Hanggang sa muling pagputok! (ng araw)

Tuesday, December 1, 2009


Tapos na ang pagiging "stage brother" ko.



Ang buhay parang sayaw, minsan "graceful" ang dancers pero mas marami ang "trying hard."

Hindi ko naman talaga gustong magdemand ng anumang bagay, tamang pagpapahalaga lang naman — pero katulad ng madalas na nangyayari, wala kahit simpatiya mula sa'yo.

Ang kuya mo ay mawawala na sa'yo.

Magkasama tayo, di lang magkikibuan.

Sabay tayong kakain, magkaiba nga lang ang ulam.

Sabay tayong papasok, kanya-kanyang bayad nga lang.


Ayos na rin ako sa ganito.

Nabawasan ang bagaheng dinadala ko.


Makakakain na ako nang di kita iniisip kung may kakainin ka na.

Makakapagkape na nang di kailangang timplahan pa kita (ganun din naman ikaw)

Malaking ginhawa. Tama ba?


Haixt